Blog Archive
Saturday, December 25, 2010
Monday, September 6, 2010
WALANG IWANAN HA
kahit di na tayo nagkikita...
kahit wala na text..
kahit di ko na alam ang nangyayari sa inyo...
kahit wala na balita..
Kahit wala na Gi-E-Man
Kahit wala fiestahan..
Kahit wala na birthdayan..
hehehe...
TIWALA AKO..
na mananatili tayong MAGKAKAIBIGAN...
hanggang sa WAKAS....
Mahal ko pa rin kayo...
Tuesday, August 10, 2010
habang nasa work at naisip ko kayo..
sabi nga ng karamihan, ate lang ako by name, by age but not actually the typical ate that every one knows.. mas ate pa nga ang ilang members, db? anyways, i don't mind naman talaga coz i know i am accepted and respected just the way i am.. and that's what i love on our group..
lahat pede.. lahat accepted.. lahat ay being loved..
masaya ang lahat lalo na pag magkakasama..
nakakamiss ang mga galaan.. galaan na inaabot ng madaling araw.. inaabot kung saan saan.. mga fiestahan, birthday-an, swimming-an at lalo na ang pagtambay sa room 16 ni kua she.. ehe.. nakakamiss na talaga:[
nakakalungkot lang ngayon na kahit sa text man lang, ang dating gm-an ay wala na.. hayy!
siguro ang lahat ay abala na sa kani-kanilang mga buhay.. ang iba siguro sa pag-aaral at iba ay sa pagtatrabaho.. nauunawaan ko naman yun.. nauunawaan ng lahat.. kaya lang siguro, talagang nakakapanibago, db?
haayyy! sana man lang kahit minsan makuha pang makumpleto ng grupo, or even kahit 3/4 man lang.. sana:[
sana rin, kahit medyo imposible yung sa kita-kits factor, kahit sa txt lang magkabalitaan.. kasi naranasan ko nung nakaraang araw lang ang makita't makasama ang ilan ngunit hindi ako maka-relate sa usapan nila.. HIRAP!! hahahaha.. sana ne maG-share.. :DD
ooppss, dumadami na motorists, ingat na lang lahat.. godbless!
Tuesday, June 15, 2010
tropa by siakol
Hindi malilimutan ang asaran
Na mayroong pikunan
Lalo na rin ang unang niligawan
Unang kabiguan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagdadamayan
Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga buang
Kaibigan
Lubhang maaasahan
Ooohhh
Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...
Inuman na pangmagdamagan
Minsan inaabot pa ng ayaan
Na kung saan-saan
Na para bang walang kinabukasan
At kahahantungan
At dyan nagseseryoso ang usapan
Ang pagpapayuhan
Nang tunay at tapat na
Kaibigan
O mga baliw
Kaibigan
Namang nakakaaliw
Ooohhh
Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...
Instrumental
Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa
Di na tayo pabata
Edad mo di nahahalata
Sa mga trip unti-unti na tayong nagsasawa
Pero kahit ganun
Barkadang matatag hanggang sa ngayon
Minsan man magkita
Tiyak may kwela
Yan ang aking mga tropa...
Instrumental
Monday, November 2, 2009
ako??
Weh….
Ang hirap tlaga magcmula dito..
D kc ako yung taong mahilig mag blog..
Pero gusto ko mag share ng feelings sa mga makakabasa nito…
D ko tuloy alam panu ko ccmulan to..
Parang sa Buhay ng tao din, (sigh)
Nga pala tagal na din since huling nagkasama-sama tayo noh..
Busy na cguro sa kanya-kanyang Buhay..
Asan n kaya yung bawat isa sa atin??
Ang hirap ipunin ng bawat isa sa atin eh..
Nakaka miz tuloy yung tulad ng dati.. yun bang simple lang ang Buhay..
Gigising ka ng umaga, taz papasok sa skul.. makikipagkwentuhan sa mga ka-kilala.. mag cu-cuting.. hehe, taz papasok sa klase ni sir.. nyahaha.. mag-yoyosi sa labas.. makikipag asaran sa mga masarap asarin.. picture-picturan… maglalaro ng chess.. minsan magkakantahan.. jamming.. makiki-kain sa mga bahay2, naalala ko tuloy yung kare2 ng mommy ni Kenneth romano, .... at maraming pang iba..
Yung tipong kahit saan ka ipadpad eh “go lng ng go”..
Basta ang importante eh sama2.. ..
Kaso may punto tlaga sa buhay ng tao na kailangan magkahiwa-hiwalay ng landas para sa mga pangarap natin sa Buhay.. parte na siguro ng pagtanda..
Mixed emotions yung nararamdaman ko kapag nakkakakita ako ng pictures ng grupo natin..
Nangi2babaw yung pagiging masaya xempre..
Minsan nasasabi ko “GANITO PALA ITSURA KO NOON, MUKA AKONG ENGOT” J
Meron ding “ANG LIIT PA NYA D2 OH....”
Taz.. “SI SIR D YATA NAGBABAGO ITSURA”.. J
Kaso may time din na.. “SAYANG WALA AKO DITO.NAG GRADUATE NA KASI AKO NUNG MGA TIME NA TOH. “
Haiizzt….
Sana medyo nahuli ng konti yung pagka-panganak sa akin ng isang taon man lang para nakasama din ako sa batch na magkasama yung carboyz, tpk tska gwapitooz, pg…..
Muka kasing eto yung pinaka masayang taon ng akuzino...
Hindi ko naman sinasabing “boring” nung kami2 pa lang.. kung pwde lng sana magka sabay2 na lng tayong lahat..
Hindi naman kasi inaasahan na maging isang malaking grupo to eh.. galing noh!..
Wala sanang makakalimot sa mga masayang araw na magkakasama tayo..
At sana madagdagan pa yung mga ganung exciting na araw sa buhay ko..
Bye2..
-Diyez-Katorse
Thursday, September 3, 2009
malas lng talaga..
ang gulo ng aking isip..
nalilito ako...
nahihirapan...
walang mapagsabihan ng sama ng loob...
hindi ko rin alam kung bakit... hayaan mo ako makapag salita at baka sakali ehh malaman ko..
4 days na since mabalian ako.. actually hndi nmn malala tong injury ko..
hindi kailangan lagyan pa ng stainless steel para maka recover ... buti na lang..
parang parusa nung hinatak ni doc tong kamay ko para maayos sa pwesto.. sarap sipain ni doc nung mga pagkakataon na yun.. pero d nmn ako gagaling kung hindi nya gagawin un.. salamat sa kanya!!!
2 months yung binigay nyang recovery period para sa akin.. 2months na naka semento,, 2months na hndi ko magagawa ung mga bagay na gusto kong gawin,, kailangan kong maging kaliwete for 2 months.. kahit nga simpleng pag hawak sa mouse using my off-hand ehh ang hirap.. try mo para malaman mo.. kahit tong pagttype ngayon,, hindi ganun kadali... for now yan na muna.. sana nmn may dumalaw sa akin d2.. huhu=(
-gerald1014
Saturday, May 30, 2009
SWIMMING ...,,,...
TILAMSIK
(The Grand Akuzino Reunion)
.... Actually sabi ko sa kanila ay wag na nila ako abalahin, kung gusto nila magswimming auz lang sa sakin, support ako.. Pero sa planning at preparations bahala sila.. Ou daw.. Pero ang ending ako pa rin ang punong abala.. (hayyy) pero auz lang naman, wala naman ako choice ehhh.. masaya naman..
May 23, 2009 Saturday, 12:30..... Nag hihintayan na sa skul, dumating ako bago mag 1pm, marami na rin sila...
... Nandun sina Geraldat Oteph (HIGH5) Joel, Alex, Ryan, Dion at Jinky (Asawa ni Dion) (JASTRD),,,, Junix, Allen, Teng (mula sa Bulacan), RR, Oman at Twyze.. (COMPLETE ANG CARBOYZ) Shierly (GF ni bestfriend ni Jhunix),,,,, Jhoi, (nag-iisang TPK),,,, Jonel, Patch, Kenneth at Gutz (GUWAPITOOZ),,,,,,,, Mitch, Zhe, Grace at Rina (PERIOD GURLZ),,,,, Thine, Arvie, Kaycee, Mhaine (NITROGEMZ) walang RRJ, at MamJha, Jimboy, Terter, Paulding at Ross (sis ni Jhoi) (FAVEZ)....,, sana wala akong na miss na name...
... Dami namin ano,??? Hehehehe.. ganun talaga.. pero marami pa rin ang wala.. Sa iba't ibang kadahilanan, na pawang nauunawaan ko naman....
Mga 2pm na umalis ang Jeep na inarkila sa halagang 1000, mula balsik hanggang bamban balikan.... Kami naman naka single motors at dumaan sa palengke.... Namili ng 4 na kilong tilapiang iihawin , 3 kilong pansit para merienda at juice para sa inumin....
... E di ayos na nandun na kami sa BALON resort,, ayos naman ang dating kaya lang nung una masyado pa marami tao kaya dun muna kami sa cottage... May nagvivideoke... May nauna nang naligo...
...Mga 4pm luto na ang pansit sa pangunguna ni Kua Dion at misis nia... WOW ang sarap... As in Masarap talaga!! masarap na masarap... Tapos mga 6pm nagpaalam na karamihan sa mga gurlz, di daw sila pede overnyt... Except Rina, Mitz, Mam Ja, Jhoi at sis ni Jhoi....
... Mga 7 pm naman kami kumain ng hapunan... Inihaw na tilapia at sinawsaw sa calamansi at toyo... Ayozzzzz.. Yung iba may baon din.... Dami naman fuuddzzz...
...And then, swimming to the max,,, halos kami kami na lang sa pool... ayos ding maligo kasi katamtaman lang ang laki ng pool at wala nang ibang tao halos kundi kami... nagpakita pa ng iba't ibang diving styles sina Oman, RR, Junix, Twyze, Alex, Gutz at Gerald,, pati yata si terter..Ahehehehe.....
... Sina jhoi, Neil, RR,Junix, Shierly, Grace ay humataw naman sa Videoke... AYozzzz talaga.....
...Pero ang kakaiba.. eto nag-brownout sa Resort at buong baranggay.. pero tuloy pa rin ang swimming, May mga sulo naman, mala survivor ang dating, aztig!!!...
...Bandang 11pm inumpisahan nang katayin ang bibi na dala ni NEil (aheheehe, kawawang duck)
...Banda 1pm, nagpasya na kaming magpasundo sa jeep,, Kaso sabi nilang lahat dun na lang daw sa amin (Saguing) bababa,,, Kasi ang jeep ay hanggang balsik lang, wala na masasakyan ang iba... Kaya sa bahay sa saguing kami tumuloy/...
... Sa bahay dun na lang kinain yung bibi... habang ang iba ay nanunuod ng "The House of Flying Daggers"....
...Ang reunion na to ay... Masaya... Masayang-Masaya.. pero di lang masaya.. Makabuluhan pa...
...Kung gusto nyong makita ang mga pictures,, log on to this site...
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=411235821&uid=64259033
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=676744841&uid=64259033
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=765255560&uid=64259033
...May mga bagay akong natutuhan dito, na di na tayo mga bata, dapat mag-ayos na rin sa pagkilos.. Di pedeng basta basta na lang lagi,, basta masaya ka.. mali iyon, Dapat pinahahalagahan mo din yung tingin at sasabihin ng iba.... Hindi porke't nag-eenjoy ka ay sige sige na lang.. Gayundin sa pagkain, hindi magandang tingnan na sarili mo lang lagi iniisip mo at inuuna... Sa pakikipagbarkada ang unang natutuhan ay tamang pakikisama, Pero ang iba sa inyo parang hindi naiintindihan iyon... Kakain sila ng hindi nag-aalok sa iba,,, Tapos yung pinagkainan ay iiwan na lang basta,, Minsan pati pagkaing hindi kanila, gagalawin nila.. O yung mga gamit na hindi dapat ginagalaw dahil hindi naman sa iyo ay pinakikialam nila...
... ang grupong ito ay natayo upang magkasama sama tayo at maging mga mabubuting nilalang sa ating Dios, mamamayan sa ating bansa , kaibigan sa ibang tao at anak sa ating mga magulang at pamilya....
... Kung kami ay hindi nakakatulong upang mas maging mabuti kayong tao at sa halip ay lalong napapasama ay panahon na upang humiwalay na kayo ng landas at humanap ng mas matuwid na landas....
... Kung ikaw naman yung hindi nakakatulong sa grupo upang ang iba ay maging mas mabuting tao.. Bagkus nagbibigay ka pa ng masamang halimbawa ng pagiging makasarili, kawalang paggalang at kagaspangan ng pag-uugali, Panahon na rin upang umalis ka sa daang tinatahak ng akuzino, hindi ka para dito...
... Sa buhay, hindi sapat na masaya ka lang,, oo masarap maging masaya,, pero may mas dakila dito.. Ito ay ang mapasaya mo ang iba.. Hindi mo dapat iniisip ang sariling kaligayahan mo, bagkus mas iniisip mo ang kaligayahan ng ibang tao, mga kaibigan mo, pamilya mo at mga minamahal mo sa buhay....
...Sana mapagtanto ninyo ang sinasabi kong ito,,, at isa pamuhay....
