About Me

My photo
Well, it's not only me.. it's us.. We are a Clan.. formed under the roof of room 16.. With about 30 members.. We came from all walks of life.. Some are well to do,, some are less fortunate.. Some are pretty, others are prettier... Some are cute.. some are even more cute.. Some are young,,others are younger...Some are smart others are clever.... Some are fat and stout, others are thin.. sexy and Some are glamoruos,,, and others are hunks.. But despite these difference that we have,,, If we can say that these are difference.... We are bonded as one.. by a great promise that we will be together until the end of time until the sky turns into gray... longer than all the stripes of a rainbow,,, higher than all the heights of the buildings... deeper than all the depths of the oceans.. until our hair becomes red... until the sun and tye moon kisses each other.. until hell freezes....

Monday, November 2, 2009

ako??

Weh….

Ang hirap tlaga magcmula dito..

D kc ako yung taong mahilig mag blog..

Pero gusto ko mag share ng feelings sa mga makakabasa nito…

D ko tuloy alam panu ko ccmulan to..

Parang sa Buhay ng tao din, (sigh)

Nga pala tagal na din since huling nagkasama-sama tayo noh..

Busy na cguro sa kanya-kanyang Buhay..

Asan n kaya yung bawat isa sa atin??

Ang hirap ipunin ng bawat isa sa atin eh..

Nakaka miz tuloy yung tulad ng dati.. yun bang simple lang ang Buhay..

Gigising ka ng umaga, taz papasok sa skul.. makikipagkwentuhan sa mga ka-kilala.. mag cu-cuting.. hehe, taz papasok sa klase ni sir.. nyahaha.. mag-yoyosi sa labas.. makikipag asaran sa mga masarap asarin.. picture-picturan… maglalaro ng chess.. minsan magkakantahan.. jamming.. makiki-kain sa mga bahay2, naalala ko tuloy yung kare2 ng mommy ni Kenneth romano, .... at maraming pang iba..

Yung tipong kahit saan ka ipadpad eh “go lng ng go”..

Basta ang importante eh sama2.. ..

Kaso may punto tlaga sa buhay ng tao na kailangan magkahiwa-hiwalay ng landas para sa mga pangarap natin sa Buhay.. parte na siguro ng pagtanda..

Mixed emotions yung nararamdaman ko kapag nakkakakita ako ng pictures ng grupo natin..

Nangi2babaw yung pagiging masaya xempre..

Minsan nasasabi ko “GANITO PALA ITSURA KO NOON, MUKA AKONG ENGOT” J

Meron ding “ANG LIIT PA NYA D2 OH....”

Taz.. “SI SIR D YATA NAGBABAGO ITSURA”.. J

Kaso may time din na.. “SAYANG WALA AKO DITO.NAG GRADUATE NA KASI AKO NUNG MGA TIME NA TOH. “

Haiizzt….

Sana medyo nahuli ng konti yung pagka-panganak sa akin ng isang taon man lang para nakasama din ako sa batch na magkasama yung carboyz, tpk tska gwapitooz, pg…..

Muka kasing eto yung pinaka masayang taon ng akuzino...

Hindi ko naman sinasabing “boring” nung kami2 pa lang.. kung pwde lng sana magka sabay2 na lng tayong lahat..

Hindi naman kasi inaasahan na maging isang malaking grupo to eh.. galing noh!..

Wala sanang makakalimot sa mga masayang araw na magkakasama tayo..

At sana madagdagan pa yung mga ganung exciting na araw sa buhay ko..

Bye2..

-Diyez-Katorse

Thursday, September 3, 2009

malas lng talaga..

friday, september 04, 2009 12:28pm

ang gulo ng aking isip..
nalilito ako...
nahihirapan...
walang mapagsabihan ng sama ng loob...
hindi ko rin alam kung bakit... hayaan mo ako makapag salita at baka sakali ehh malaman ko..

4 days na since mabalian ako.. actually hndi nmn malala tong injury ko..
hindi kailangan lagyan pa ng stainless steel para maka recover ... buti na lang..
parang parusa nung hinatak ni doc tong kamay ko para maayos sa pwesto.. sarap sipain ni doc nung mga pagkakataon na yun.. pero d nmn ako gagaling kung hindi nya gagawin un.. salamat sa kanya!!!
2 months yung binigay nyang recovery period para sa akin.. 2months na naka semento,, 2months na hndi ko magagawa ung mga bagay na gusto kong gawin,, kailangan kong maging kaliwete for 2 months.. kahit nga simpleng pag hawak sa mouse using my off-hand ehh ang hirap.. try mo para malaman mo.. kahit tong pagttype ngayon,, hindi ganun kadali... for now yan na muna.. sana nmn may dumalaw sa akin d2.. huhu=(



-gerald1014






Saturday, May 30, 2009

SWIMMING ...,,,...

Wehhhh.. Natapos na rin swimming

TILAMSIK
(The Grand Akuzino Reunion)

.... Actually sabi ko sa kanila ay wag na nila ako abalahin, kung gusto nila magswimming auz lang sa sakin, support ako.. Pero sa planning at preparations bahala sila.. Ou daw.. Pero ang ending ako pa rin ang punong abala.. (hayyy) pero auz lang naman, wala naman ako choice ehhh.. masaya naman..

May 23, 2009 Saturday, 12:30..... Nag hihintayan na sa skul, dumating ako bago mag 1pm, marami na rin sila...

... Nandun sina Geraldat Oteph (HIGH5) Joel, Alex, Ryan, Dion at Jinky (Asawa ni Dion) (JASTRD),,,, Junix, Allen, Teng (mula sa Bulacan), RR, Oman at Twyze.. (COMPLETE ANG CARBOYZ) Shierly (GF ni bestfriend ni Jhunix),,,,, Jhoi, (nag-iisang TPK),,,, Jonel, Patch, Kenneth at Gutz (GUWAPITOOZ),,,,,,,, Mitch, Zhe, Grace at Rina (PERIOD GURLZ),,,,, Thine, Arvie, Kaycee, Mhaine (NITROGEMZ) walang RRJ, at MamJha, Jimboy, Terter, Paulding at Ross (sis ni Jhoi) (FAVEZ)....,, sana wala akong na miss na name...

... Dami namin ano,??? Hehehehe.. ganun talaga.. pero marami pa rin ang wala.. Sa iba't ibang kadahilanan, na pawang nauunawaan ko naman....

Mga 2pm na umalis ang Jeep na inarkila sa halagang 1000, mula balsik hanggang bamban balikan.... Kami naman naka single motors at dumaan sa palengke.... Namili ng 4 na kilong tilapiang iihawin , 3 kilong pansit para merienda at juice para sa inumin....

... E di ayos na nandun na kami sa BALON resort,, ayos naman ang dating kaya lang nung una masyado pa marami tao kaya dun muna kami sa cottage... May nagvivideoke... May nauna nang naligo...

...Mga 4pm luto na ang pansit sa pangunguna ni Kua Dion at misis nia... WOW ang sarap... As in Masarap talaga!! masarap na masarap... Tapos mga 6pm nagpaalam na karamihan sa mga gurlz, di daw sila pede overnyt... Except Rina, Mitz, Mam Ja, Jhoi at sis ni Jhoi....

... Mga 7 pm naman kami kumain ng hapunan... Inihaw na tilapia at sinawsaw sa calamansi at toyo... Ayozzzzz.. Yung iba may baon din.... Dami naman fuuddzzz...

...And then, swimming to the max,,, halos kami kami na lang sa pool... ayos ding maligo kasi katamtaman lang ang laki ng pool at wala nang ibang tao halos kundi kami... nagpakita pa ng iba't ibang diving styles sina Oman, RR, Junix, Twyze, Alex, Gutz at Gerald,, pati yata si terter..Ahehehehe.....

... Sina jhoi, Neil, RR,Junix, Shierly, Grace ay humataw naman sa Videoke... AYozzzz talaga.....

...Pero ang kakaiba.. eto nag-brownout sa Resort at buong baranggay.. pero tuloy pa rin ang swimming, May mga sulo naman, mala survivor ang dating, aztig!!!...

...Bandang 11pm inumpisahan nang katayin ang bibi na dala ni NEil (aheheehe, kawawang duck)
...Banda 1pm, nagpasya na kaming magpasundo sa jeep,, Kaso sabi nilang lahat dun na lang daw sa amin (Saguing) bababa,,, Kasi ang jeep ay hanggang balsik lang, wala na masasakyan ang iba... Kaya sa bahay sa saguing kami tumuloy/...

... Sa bahay dun na lang kinain yung bibi... habang ang iba ay nanunuod ng "The House of Flying Daggers"....

...Ang reunion na to ay... Masaya... Masayang-Masaya.. pero di lang masaya.. Makabuluhan pa...

...Kung gusto nyong makita ang mga pictures,, log on to this site...
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=411235821&uid=64259033
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=676744841&uid=64259033
http://www.friendster.com/viewphotos.php?a=765255560&uid=64259033

...May mga bagay akong natutuhan dito, na di na tayo mga bata, dapat mag-ayos na rin sa pagkilos.. Di pedeng basta basta na lang lagi,, basta masaya ka.. mali iyon, Dapat pinahahalagahan mo din yung tingin at sasabihin ng iba.... Hindi porke't nag-eenjoy ka ay sige sige na lang.. Gayundin sa pagkain, hindi magandang tingnan na sarili mo lang lagi iniisip mo at inuuna... Sa pakikipagbarkada ang unang natutuhan ay tamang pakikisama, Pero ang iba sa inyo parang hindi naiintindihan iyon... Kakain sila ng hindi nag-aalok sa iba,,, Tapos yung pinagkainan ay iiwan na lang basta,, Minsan pati pagkaing hindi kanila, gagalawin nila.. O yung mga gamit na hindi dapat ginagalaw dahil hindi naman sa iyo ay pinakikialam nila...

... ang grupong ito ay natayo upang magkasama sama tayo at maging mga mabubuting nilalang sa ating Dios, mamamayan sa ating bansa , kaibigan sa ibang tao at anak sa ating mga magulang at pamilya....

... Kung kami ay hindi nakakatulong upang mas maging mabuti kayong tao at sa halip ay lalong napapasama ay panahon na upang humiwalay na kayo ng landas at humanap ng mas matuwid na landas....

... Kung ikaw naman yung hindi nakakatulong sa grupo upang ang iba ay maging mas mabuting tao.. Bagkus nagbibigay ka pa ng masamang halimbawa ng pagiging makasarili, kawalang paggalang at kagaspangan ng pag-uugali, Panahon na rin upang umalis ka sa daang tinatahak ng akuzino, hindi ka para dito...

... Sa buhay, hindi sapat na masaya ka lang,, oo masarap maging masaya,, pero may mas dakila dito.. Ito ay ang mapasaya mo ang iba.. Hindi mo dapat iniisip ang sariling kaligayahan mo, bagkus mas iniisip mo ang kaligayahan ng ibang tao, mga kaibigan mo, pamilya mo at mga minamahal mo sa buhay....

...Sana mapagtanto ninyo ang sinasabi kong ito,,, at isa pamuhay....

Monday, May 11, 2009

T_I_L_A_M_S_I_K

Hei guyz.. Magkakaroon tau ng..

T_I_L_A_M_S_I_K
(The Akuzino Grand Swimming Reunion)

Kailan..??? May 23, 2009 Saturday
12:30 Ng Tanghali

Saan Magkikita??? Balsik NHS, Sa Green na Gate lang

Kano Bayad??? 150 Pesos.. kasama ang entrance, pamasahe at cottage.. (pag may sumobra sa pagkain naman) Pero MAGBAON KA RIN HA..

Saan??? Villa Agnes Resort.. San Pedro, Hermosa, Bataan
(Pero Di Pa sure dahil depende sa dami ng sasama )

Sino dapat Kontakin??? Junix, (Carboyz), Gerald (high5), Joel (Jast-RD), Gutz (Guwapitooz)
Jhoi(TPK), Tzay (PG), Jowen (RRJ), at Arvilyn (nitrogemz)

Overall Chairman: Mam JHA

Deadline of Payment... May 21, 2009
Dapat Hanggang May 21, 2009.. Magpareserve na kayo...

WALANG TAKE THE RISK HA...!!!!

Nga pala.. Swimming starts at 1:00pm, Hanggang bukas na yun,, yung pedeng mag-overnight, PEDENG PEDE,, yung hindi pede mag-overnight.. Pedeng umuwi ng hapon.. 5pm o 6pm nasa sa inyo..

PINAKAIMPORTANTE...

Magpaalam kayo sa magulang o guardians nyo... At siguraduhing PAPAYAGAN KAYO.. Kung di.. Ikukuwento na lang namin sa inyo... hehehehe.. ganun Talaga..

Lahat ay inaanyayahan...

YabYah
Kitakitz..



Tuesday, April 21, 2009

Hanggang Kailan???

Saya naman natin anoh.. Marami n atyong pinagsamahan... Ilang picnic na rin ang pinuntahn, ilang fiestahan, birthdeyan na rin ang dinaluhan, maraming lamesa na rin ang kinainan... Ang saya talaga..

Ilang bundok na ang inakyat, ilang kama at banig na ang tinulugan, maraming bote na rin ang ininuman, haiizzz kakamiss talaga magbilang.....

Maraming jokes na rin ang tinawanan, pambabara na madalas pagkaasaran, ilang luha na rin ang pumatak, pero libolibong ngiti naman ang sumilay... Nakakaiyak talaga ang kasiyahang dulot ng Akuzino Clan.

Ngunit sa paglipas ng panahon, nasaan na nga ba tayo.. Marami na rin tayo, nasa 70 o higit pa.. Nagsimula sa simpleng paglalaro ng chess board sa Room15, tapos nauwi sa pagtambay sa memorial, pinainit ang samahan ng pag-akyat sa Malasimbu. Nagtuloy tuloy sa maraming picnic swimming at minsa'y camping. Patuloy na umusbong hanggang sa ngayon....

Sa kasalukuyan, okay naman ang ating katayuan, matibay, matatag, umuusbong patuloy at lalong dumarami... Pero ang mas mahalagang tanong...

Saan nga ba tayo patungo.? Hanggang kailana tayo ganito..?

Kapag narinig mo ang tanong na ito, ano ang mararamdaman mo? Para sa atin, iba-iba ang aing damdamin, pero karamihan ay kakabahan at matatanto ang katotohanang hindi talaga natin alam ang ating tunay na patutunguhan...

Maiisip nating ang isang pangamba, na baka hindi natin abutin ang walang hanggan, isang kagulumihanan na baka isang araw magising tayong wala na ang lahat.

Subalit wag tayong magpatalo sa mga agam-agam na yan. OO nga't hindi natin hawak ang bukas, hawak naman natin ang ating mga damdamin. Maaring tayo'y tatanda, mag-iiba iba ng estado sa buhay at kinaroroonan. Hindi natin alam. Pero sana patuloy nating taglayin ang isang pangako.

Pangako ng habang buhay na wagas na pagkakaibigan. Isang samahang hindi nasasakop ng oras at panahon. Isang turingang hindi kayang bakuran. Taglayin nawa natin sa ating mga sarili ang mga ala-ala ng masayang lumipas. Na kahit nasaan man tayo at ano mang panahon, hindi natin kayang burahin sa ating damdamin ang katotohanang minsan isang Akuzino Clan ang nagdala sa atin ng walang tigib na ligaya...

Haiizzz.. Hanggang dito muna, hindi ito drama, ito'y pag-papaalala sa inyo ng isang katotohanang kailangan nating maging maingat. Dahil hindi natin alam na kung hanggan saan. Kaya dapat tayong magbantay at mag-ingat sa ating mga sarili.... Nawa'y manatili sa ating mga puso ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan, ng tunay na ibig sabihin ng wagas na pagmamahal, kung paano nga ba maging isang tunay na Kapamilya!...

Saturday, April 18, 2009

FIESTAHAN WALANG HANGGAN

Whahehehehe.. here we are again.. April 12, 2009, Sunday on our road to festivities.. That's life, sometimes there are pain, but this is the time to have a little fun. Probably i would not just have a little fun, but much....

My destination..?? Prado Saba, Lubao, Pampanga, i just got from a turmoil, very delovious situation but life has to go on. I was riding with my wave 125, (his name is ONIZUKA) with alex,. We went to Joel's home, took some coffee and went straight to one of our favorite destination. THE MEMORIAL PARK..

In the park, we took sometime to chat and share something which cannot be discussed here (only a few of us know that, until now).. At around 8:30, we proceeded to Norman haven and drink ice cold Pepsi there... Ryan followed us here.

12:00, we left Norman cause he's going to his cousin's birthday party, the four of us went ahead to our plan, (Me, Joel, Alex & Ryan) that is to Prado Saba Fiesta... We took a bus and went down to Sumascan corner and from there we saw Grace (PG). She invited us to her house, we ate a little (cause we got a lot of friends to visit there).. Ahehehe..

And then, we are now on our way to Rina's Residence, (near Balsik -Prado Saba Boundary), now with Grace. We ate again (and again).. Mam Jha, Junix, Rhona, Tsay & Jhoi (Alex is now much happier) were with us there..

With the original four we went to Sharmaine palace, Akuzino is such a big group, we were plenty tere.. Whaaaaaaa.. As far a I can remember.. Here is the list.. Kyazer, Joel, ALex, Ryan, Mamja, Neil, Nikki, Winston, Rafi (who were aloof), Patch, Keneth, Tintin (with her cousin), Arvilyn, Genelie, Sharmaine, Terter, Jimm, Rhonz, Jhoi, Grace, Rhina, Tsay... ( i'm sorry for those who were not mentioned)

Eating a lot, singing songs (videoke).. whew!!! it's really a lot of fun...

Then, we went back to Grace's home.. Some ate there (again and again.. yes) and after that we decided to go to Norman's house again (San iSidro, Lubao).. Because i left my things there.

Some of us, decided to come with us to San Isidro,,.. the traffic was so heavy, we needed pateince during this time. Mam jah even saw her dad in the same bus that we took, she needed to hide.. Whew!!!...

6:00 pm, Norman house... Some left early, because their parents might be mad of them... if they will go home late...

Tagalog na nga..!! Parang panget ko na mag-english weh...

E di kami n lang,, uhmm sino sino ba??/ Ako ulit.. Joel, Alex, Jhoi, Rhons, Mam Ja, Ryan, Oman, Terter, Jimboy, Genelie, Neil at Nikki.. (si Bryan nga pala my bulutong,, hehehe.. kaya tawag ko na sa BB eh.. Bulolong & Bulutong) Wahahaahaha.. Jowk!! (gudluck bry)...

And then.. biruan kantyawan.. We had a countdown as to why we should call mam ja childish... She demanded 10 reasons.. And we were successful.. nakzzzz.... In the midst of enjoyment, nagbiro ako.. kasi nga sa aming lahat sina Rona at mamja ang 2 iyaken.. So I said, unahang umiyak ohh.. Sabi nman nila.. Sige sige!!! Nagtanong pa nga si Mam Jha. "Ano Prize?"

Wow.. game ang mga to.. cge nga.. uhmmm,,, asar dito asar dun.. biro at biro pa.. Ndi ko mapikon.. Huhuhuhu.. Matatalo na yata ako.. Eh naisip ko tanungin si terter..

"Ahhh..terter, sino mas mahal mo sa amin ni Mam Jha?" tanong ko..

Sagot nia.. "Pantay lang po.."

Sabat si mam Jha " Sienpre dapat pantay lang!"

Ahehehehe...,, plitin ko nga ito.. para sulit... tanong ako ulit..

"Di pedeng pantay Terter. dapat may higit na isa... Sino mas mahal mo sa amin?" tanong ko ulit,

"Siempre, IKAW zir!" sagot ni Terter...

BOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Nagdabog na si Mamjha, nagyaya umuwi.. napikon na.. yahahahahaha.. Ahhheeheheheeh.. medyo umiiyak na rin yata.. (pero di ako sure)..Pinipigilan sia ni Norman (ito na yata pinaka level headed sa aming lahat) Lumabas na rin ako.. konting emote.. Napapano ka ba...??? tanong ko..

Napikon nga sia.. Whaaaaaaaaaa!!!! (ako yata masama nito ahhh).. Sumagot sia..

"Kasi naman, di ko alam na may standard pala pagmamahal dito" sabi ni mam Jah, (di ko masasabing exact pagkakasabi ko ahhh) pero sort of na rin )

BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM
MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM
MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM
MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Mas malaking pagsabog ang naganap.. Ako medyo napikon na rin.. Depensa na lang ako, Ehhh nagbibiruan lang naman tayo dito ahh. Tsaka (sa totoo lang) para sa akin wala lang yung tanong na iyon.. Tanong lang sa bata yun..it doesn't make any sense...

And If ever (wag sana tataas kilay ng iba) na mas mahal ninyo ako sa ibang member, natural lang naman di ba>..??? (sa isip ko lang naman yun..)

PERO HINDI KO NAMAN HINIHINGI NA MAGING GANUN NGA.. Kung nagkataon nga na sinabi ni Terter na mas mahal nia si Mamja nia. naiintindihan ko yun.. I wo'nt feel hurt.. (kasi palagay ko iba magpakita ng concern ang babae like her)..

Pero siempre dapat PANTAY-PANTAY ang PAGMAMAHALAN NATIN dito bilang MAGKAKAPATID...

Yung ang nangyari. (medyo naiiyak pa nga ako dito eh.. ) siempre dagdag sa props yun pang convince.... At sa dulo, nagkaayos din kami.. Umuwi na sila (Mamjha, Genelie, Rhoinz, himala yata, Nikki, Ryan..) Pero umiyak din si Rhonz nun bago umuwi.. Napikon yata kay Neil (di ako sure, Ask nio sia)

Naiwan na lang kina Norman ay Ako, norman, Joel, Alex, Jhoi, ter ter,Neil at Jimmboy,, dumating din sina Jumbo at Twyze, (galing sila Gapo).. kaporma!!!!

Eat na ng Dinner.. Ayozz naman.. maya maya nga 10pm, nagpahatid na sa Plaza ng Prado Saba sina Jhoi, Terter at Jimmboi.... pero Bumalik din ehek! at may Kasama pa, Sina Gutz at Rhina.. Pero umuwi na pala si Alex sa point na to..

Ang ending, nagkayayaan kami mag ghosthunting sa Memorial..

"Sige!, sige! " sabi ng lahat, maliban kay Jhoi na natatakot yata...
Ikot,.... Ikot.... Ikot.. Uhmmmm,,,, Wala naman.. malas.. Ahehehehe.. Nagkatakutan.. (kunwari lang ahehehehe)... Pero masaya, masayang masaya...

So, uwi na lang ulit kami kina Oman hanggang dun nalang kami,, natulog na ang iba.... nagising ako ng mga 5am.. sabay sabing Goodbye .. sibat na ko!!

Sakay ng Genesis, biaheng Avenida,... Di alam san patutungo.. Waaaaaaaaaahhhhhh.. Bahala na.. Ang masakit pa.. standing ang bus.. Nakatayo ako hanggang Manila.. Biruin mo un.. ??!!!

Kung ano nangyari sa Manila..??? Chicklet.. Ahihihihi..

Mahaba-haba na rin tong kuenton ko.. Next time na lang...

Ingatz po.. LabYuOl...

Saturday, April 11, 2009

Tadhana nga nman

kanya kanyang pangarap
kanya kanyang barkada
kanya kanyang hangad s buhay
at iba't ibang ugali
ngunit s isang iglap
-Akuzino clan-
biglang ntatag!!

Sa apat na sulok ng Room16
mga grupo sumilang
high5
jast-rd
carboys
tpk
guwapitooz
period girls
BB
nitrogemz
rrj

mraming kasay sayan
naganap s apat n sulok
ng Balsik National High School
tawanan..kulitan..asaran
kwentuhan..kantahan..sayawan
mging iwakan hindi naiwasan

Taon man ang dumaan
Tiyak -AKUZINO CLAN-
hindi malilimutan

=Ako si ALEX..member ng =AKUZINO CLAN=
lubos n nagpapasalamat
sa lahat ng aking mga kapatid
sa samahan ay nangangako
hangang s kabilang buhay
mananatili tapat at magmamahal
sa inyo magpakailan man!!

@>Enaz aDelFoZyni<@
@>Enaz MonoPati<@

Wednesday, April 8, 2009

never give up..pwede pwede=)

akuzino...
zino ako?
ako si doozer0h..mula sa cute na mga GWAPITOOZ.,
nakakatouch talaga.,ako kasi yung naunang nag blog sa mga ka-grupo hehe.,.,pwede pwede,.,
e2 share kuh lang.,and it goes something like this.,.,

marame sa atin ngayon ang namumublema,naghihirap at nasasaktan.
tulad na lang ni mitch?sa lovelife?si sir namumublema sa amin,.(makukulet kasi kame) at sa secret=) ganyan talaga ang buhay madameng challenge may mga problema na kailangang daanan parang ako!?namumublema sa madameng bagay,yun bang minsan dadating na sa puntong susuko na ko.,buti na lang nanjan yung mga kaibigan ko(kayu yon).,para makinig at magpayo., panu na lang kung wala kayo diba?!
ang punto ko dito,wag kayong susuko hanggang hindi niyo pa ginagawa ang lahat,.at sa bawat problema ay may nakalaang solusyon.,at lagi niyong tandaan na ang solusyon na dapat niyong isagawa ay yung makakabuti.,para saan pang naging solusyon siya kung makakasama naman di ba?!hindi siya solusyon kung ganon.sa buhay,minsan talaga may mga kabanatang dapat daanan kahit pa ito ay hindi kagandahan,.para bang kalsada?!may aspaltado at patag,ngunit may parteng baku bako na kailangang lagpasan para makarating sa paroroonan.,kumbaga ba sa kwan...pakwan?!ah bastha yun na yon?!eto na lang.,lagi niyong tandaan tong sasabihin kong ito..."hindi mo mararamdaman ang sarap kung hindi mo naramdaman ang hirap".,.kaya niyo yan!!!pwede.,pwede!
yun lang,.,.non sense neh?!eto pa pala?!huwag niyong takbuhan ang problema.,dahil ou makakatakbo ka, pero hindi ka pa din makakatakas.,

doozer0h14
gwapitooz
akuzino clan

we're just too happy,.
being together.,

1 brotherhood,1 path..

yun lang tnx..

Thursday, April 2, 2009

Graduation Celebration

eoooowwww.. I'm back with a vengeance.. !! ahehehe

This is the story about the graduation party.. very historical toh..

Uhmmm.. how did it happened..?? Actually, sana wala namang party.. Nalungkot nga sila, ako rin naman nalulungkot,, nakokonsyensya rin.. Ahuhuhu.. Tinext pa nga ako ni Tzay.. She's asking why? Kako pagod na ako.. She asked again, " nagsasawa ka na ba sa amin sir.." I answered a big NO, NO.. Pagod lang ang physical ko ahehehe.. Siguro due to aging and some inevitable pressures..
kaya lalo tuloy akong nalulungkot..

March 30, 2009, bisperas ng grad nila.. Mam Jha invited us to come to their house, sort of celebration daw at pinagpaalam nia raw kami sa Nanay nia until 10:00pm.. Wow! nagkabuhay.. Naisip ko, iyon na lang ang gagawin naming pinakaparty.. So, sinabihan ang lahat.. Invite dito invite duon.. Ahehehe

Eto na graduation na.. kakainip.. It started around 9am... Dun kami sa harap umupo.. Pero tanaw ko pa rin yung iba sa likod.. At dinaan na lang namin sa pagtetext ang kainipan... Kakatawa nga si Jonel, naghahap ng katext during his graduation.. Ibang klase!!! At sa wakas natapos din... Pinanunuod ko sila.. My nakangiti, may umiiyak, pinakikiramdam ko sarili, malungkot ba ako.? Medyo, kasi madalang na lang kaming magkikita ng guwapitooz at period gurlz ko.. AHuhuhu.. Pero mas namamayani sa akin ang kasiyahan. Kasi alam ko na sa paglabas nila ng apat na sulok ng eskwelahang ito, HANDA sila!! At may patutunguhan silang mabuting landas...

Malungkot kasi hindi naman ako siguradong lahat sila ay makakaalala pang muli at babalik sa aming Roomm 16, pero masaya dahil alam kong may babalik din at lahat sila, lahat sila ay babaunin ang masasayang alaala ng aming samahan na nabuo sa Room16.. Wala silang magagawa, ahehehehe.. Sigurado akong hindi nila malilimutan iyon... Kumbaga wala silang choice..

Paano nga ba malilimutan ang mga pamosong linyang..

Sosyal ng Bunganga ni Gutz

Amonehh ni Raffy

Take the Risk ko

Text text na lang, galing din sa akin

Hindi ko napanuod ang Ginebra ani Jonel

Kumbaga, bilog ang mundo ako ulit

Haizzzz, sino ba makakalimot sa mga

Pagkontra ni jerome sa akin..

Pagkampi naman lagi ni Warren..

Pagmamasahe ng palad ko ni Tzay...

Pananahimik ni Tonton.. at yung makasaysayang nangyari sa bahay nila isang araw ng sabado..

Kagat labi ni Jonel

Kakulitan ni Kenneth..

Pinakamaagang pamamaalam ng pag-uwi ni Patch...

Pagtili ni Tzay...

Paiyak iyak ni Grace...

Pananahimik ni Mary at biglang pagbanat...

Mga tula ni Mitz...

Paggugupit ng kuko ko ni Mariz..

boses ni She.. pati na pag kalabog nia,, ahahahahaha piz!!!

Pose ng dimple ni Gutz every picture taking..

Lock me pah ni Force...

Fiestahan kina Maila...

Armalite ni joie...

Nyagooo.. nina Jerome, Rafi at Warren

What's Your Going? ni tzay

at maraming maraming pang ibang bagay na hinding hindi ko malilimutan...
at tiyak kong kayo rin kahit saan kayo pumunta..., Dala dala nyo ang lahat ng iyan sa inyong puso.. Wala kayong magagawa.. Ahehehe

Tama na nga naiiyak na ako... Di nga, naluluha na ako.. ^^

E di celebration na nga.

Mga 2pm, nandun ako kina Ryan Kenneth Raposa, graduation nia din, kasama ko Ralph (bro nia), Mam Masarate, Mam Barrometro at Mam Barrometro pa.. Nakita ko din dun sina Jim Paulo at Terter..

Mga 3pm nandun naman kami kina Mariz sa Layac-Palihan Boundary.. Kasama lahat ng nabanggit ko plus.. Teng, Makizig, Gerald, Neil, Tintin, Tonton, Whar, Jerome, Kent, Zhe, Grace, atbp.. (sowiee sa di ko nabanggit)

Then 5pm papunta na kami kina Mam Jha sa Prado siongco..

Eto list ng mga dumating:.....
Ako siempre
Gerald
Teng
Neil
Jhuniex
Oman
Rhonz
Jonel
Winston
Warren
raffy
Jerome
Patch
LJ
Kent
Tzay
Grace
Mitz
Zhe
Mariz
Mary
Jowen
Ralph
Iking (Ricky Jay)
Makizig
Otchie
Bryan
Nikki
Genelie
Tintin
Arvilyn
Kate
Kaycee
Sarah
Terter
mam Jha and whole family nia & friends siempre

Dame namin anoh..??

Celebration to the MAX..!! My videoke kasi.. Kaya ganado sina Neil, Terter at ako (bagya)

Gumawa ng eksena sina.. Ako, Raffy, Otchie, Gerald, at ang pinakaeksena sa lahat GRACEEEE!!!
Di ko na kukwento kung bakit, kakahiya kasi ahehehehe.. Baka may makabasa pa na iba.. Ask nio na lang sa mga nandun kung anong eksena un.

Natapos ng mga 9:30pm, Swerte naman!! Nakahanap kami ng bakanteng jeep.. Dalawang balik papunta sa Balsik.. Ayozzzzz. Puntahan karamihan duon, pero ang iba'y umuwi na rin.. Dito namin nakita si RR.. Nagstay lang kami dun sa Room16, tuloy ang paggwa ng eksena ahehehehehe,,.. Habang si Grace ay nagpapahinga na sa bahay nina Jhuniex...

Mga 2pm.. tinapos pala ng maaga ang party.. May gulo daw.. Di ko nalaman.. kasi dun lang ako sa room.. may sariling gulo,,... ahehehehe... 2pm, tuloy na lang kami sa bahay nina Sk chairman Jhuniex sa sweet...

Duon wala na agaw eksena.. Masaya ang lahat.. Daladal ni Otchie.. kaasaran nia sina Nikki at Bryan.. yung iba natulog na.. Pero yung iba nanatiling gising.. Wala na kasing tutulugan... Wahehehehe... Pero masaya to.. Lalo na nung maga 5am na.... Kargado na ng pandesal... Eksena naman si RR dito.. Wahehehehe.. Tibay!! Pinasaya nia ang buong tropa.. May dumating nga palang maga bisita nun... Sina Anjanele at raysa.. (mga NSD).. tinuturing ding katropa sila..

Grabe tong madaling araw na to.. Grabe ang saya!! Di mo mapipigil sila sa kakatawa lalo na sina Mitz at MamJa.. Isa pa si jumbo, si Jowen.. lakas ng tawa habang si Oman naman antok na antok na raw.. Pero nagpapatawa pa rin kaso barya barya lang kita nia kay Raysa, kasi tipid tumawa..

Di tulad nina RR at Teng at Nikki,, tumatabo ng kita... Bumubulahit pa sa tawa mga fans nila...
May binulong pa si Mitz, kakaiba daw matulog si __________ kasi daw ay ___________...

Masaya talaga....

Mga 5:30am umuwi na kami (April 1, 2009 na nun)

Haiizzz, kakaiba to,,.. ulit nakita namin ang aming mga sarili.. medyo matamlay dahil maghihiwalay na naman sa shed.. Kanya kanya sakay na hanggang makauwi na ang lahat.. Umuwi na rin ako, angkas sina Teng at Terter...

ANg tindi!!!

Salamat pala sa pamilya ninyo lahat.. (dahil pinapayagan kayo at nagtitiwala sa amin, dahil kami ang kasama nio) Sana wag ninyo abusuhin mga tiwala na binibigay nila..

Special thanks to the Family of Mariz, Mam Janice at SK junix...

Maraming, Maraming salamat powww....

Hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng pinasamahan natin...

Mahal na mahal ko kayong Lahat..

HIGH5
JAST-RD
CARBOYZ
TPK
GUWAPITOOZ
PERIOD GURLZ
BB
RRJ BROZ
NITROGEMZ

Sa mga walang pangalan ang group kina...
Dexter, Jim Paolo, Dating MagmaVoiz na sina Otchie, Makizig at Anjo,
Mam Jha, Paulding, Ryan kenneth, Kaycee, Nelson & Richard M.

Sa mga sandali subalit makabuluhan din ang naging pagsasama-sama...
Rommel R., Ralph Kenneth, Christian Dane , Pusong, Rommel G., Keempee, Ernily, Kirt, Pheyphey, Shierly L., Edelyn, Celine, Roselle T., Glenn, Kenneth P., Cezar R., Chezter, James, Kapatid ni Neil, Kapatid ni Twice, Rey Ann, at maraming marami pang iba..

Maraming marami pang iba...

Nga pala, welcome nio sa Samahan si JONAS PAULE>>>>..... taga Riverside, Balsik...

Sa lahat ng kasama na, sana walang bibitiw.. hanggang wakas...

Sa lahat ng gustong sumama.. ok lang, welcome kaung lahat.. kahit sino pa kayo... at ano pa man kayo...

Ito ang samahang hindi nag-uuri at namimili ng Tao..

Hanggang sa muli...

Monday, March 30, 2009

Ang Pamamaalam

Yeah.. Emcee ako today sa Recognition.. Ok naman ang kinalabasan.. kasama ko pala si Lalet..

Uhmmm.. Yung may kinalaman naman sa clan.... Nakilala namin si Jim Paulo (kakaanib lang ngaun)... Makasaysayan pa nga pagkakasali nia weh.. Ahehehehe

Dumating na din dito si Ryan (sa Wakas)... Pati na rin sina Nelson at Neil...

Nga pala may disgrasya.. Yung ginawang form ni Jha nung Saturday.. May mali.... Awewewewe.. Shock ako.. Kailangan ko mag- ulit! Ahuhuhuh.. Mitz & Mariz to the Rescue.. Yiipeeesssss... Naauz naman nila.. Haizzzz...

Bukas graduation na ng Period Gurlz at Guwapitooz.. Kakalungkot..??? Uhmmm.. Bagya.. Hehehehe.. Pero ok lang din naman.. Nasanay na ako.. Alam ko na ang buhay titser ng tulad ko...

Mag-uumpisa sa first meeting sa class.. with matching first impression pa...

Magkrukrus ang aming landas... Tapos makikilala unti unti.. Hanggang maging close and eventually in the end.. iiwan... Uhmm.. Nasanay na din kahit mahirap yung ikaw yung iniiwan... (panay nga eh) Kasi lahat ng ala-ala dun sa lugar na pinagsamahan nio, naiiwan din kasama ka...
kaya mahirap makalimot sa isang tulad ko (ewan ko lang sila)

But we have to move on.. Di naman pedeng habang buhay ay high school students sila.. Walang mangyayari sa buhay di ba? Kaya kahit paano masaya na rin ako para sa kanila... Masayang medyo may pag-aalala..

Makakapag-aral kaya sila sa College?? Makakapagtrabaho??? Ano kaya ang mangyayari sa kanila??? Makaka-alalala kaya sila?? o Makakalimot???

Halo-halong pag-aagam agam ang nararamdaman ko.. Pagkalipas kaya ng ilang taon nanjan pa rin sila..?? O baka naman mag-asawa na agad??

Siempre nag-aalala ako, kasi higit pa sa tunay na kapatid ang mga yan para sa akin.. Kung ano man ang mangyari sa kanila.. I would be affected... Their success and defeats are also mine...

I just hope that.. Whatever path they take.. Take will never forget to look back to their past that once, here at Room 16, they've met someone like me, people like us.. whom treated them as brothers and sisters.. That wherever they go, I pray that we always find our roads crossed...

To the ones who will be staying here with. i demand a little patience, you know i don't grow any younger and it's too difficult to handle more than 50 different inviduals.. i hope you stay with us, go with the path with us until the end of times....

To the new ones,, welcome and goodluck to your new journey.. the best times of your life have just started...

We all love you...

ENAS ADELFOSYNI, ENAS MONOPATI!!!

Sunday, March 29, 2009

Pintura, general Cleaning sa Room 16

Eto na naman,, Sabado, March 28.. kagigising lang namin.. kakauwi.. Ligo lang sa bahay.. Maya maya kita kita na naman agad sa Room 16.. may misyon kasi kami.

Para tumulog sa Paper Works ko nandun sina.. Janice, Rhonz (na umuwi din agad), Mitz, Arlene (kapatid ni Dion), Angiela (II-Iron) at Mariz..

Para sa repair at repainting naman ng Room, dun sina.. Jowen, Iking, at Ralph... Ochie, Anjo, makisig at Rey- Ann,,, Tumulong din sina Jonel, RR at Neil.. Dumating din sina Bryan, Nikki at Jhunix.. Dumaan naman si Raffy...

Ang kinalabasan.. Marami natapos.. Pero kakaiba pintura ng rum.. Ahehehehe.. tnx pala kay Celso sa Martilyo...

Around 4:30pm, pinabili ko sina Nikki, Bryan at Neil ng maiinom.. kaso... inabot ng isang oras sa kahihintay.. Kaya di na nainom yung dapat inumin.. Ahehehehe.. Umuwi na lang kami.. Dinala si Iced Tea at yung Yelo... Pero may naiwan sa Room, hanggang ngaun nandun pa yun (wala sanang makakita)....

Umuwi na iba.. Pero sina Jhuniex, Neil at RR tumuloy sa bahay.. Nag computer, than maya maya uwi na rin sila..

Para kina Nikki, Neil at Bryan.. ok lang yun.. Medyo kakaiba talaga yung nangyari.... Pinaghintay nio kasi kami ng matagalk.. Nagdamdam ako konti.. kasi parang nabalewala lahat nung hapon na yun.. Pero di siguro ako nagagalit.. At hanggang ngaun di ko pa rin alam yung dapat kong maging reaction dun sa nangyari.. Kakaiba talaga kasi... Haiizzzz...

Sana lang sa susunod.. mas maging considerating tau.. Lagi nating iisipin yung ikakabuti ng nakakarami, hindi yung kakaunti lamang.. Tsaka iwasan natin yung delays kasi di natin alam yung mga susunod na maaaring mangyari.. take it as a lesson na lang... Wag na sana mauulit..!!
Kakadismaya kasi...

Pero wala namang kailang magbago sa samahan.. ganun pa rin.. naiintindihan ko na paminsan minsan, nagkakamali talaga.. Wag lang panay.. Ako rin naman, alam ko minsan may pagkakamali din...

Pagtambay sa Room 16

Sumunod na araw.. (march 27, 2009) Kita kita kami sa skul.. with guwapitooz at period gurlz na rin.. (ahahahaahahayy)

Dumating dun sina Oman, Junix, Neil, RR, Bryan, Nikki, Rona... kasama na yung iba... Gwptz, PG, Nitorgemz at RRJ.. Nga pala, madalas na rin naming makasama sina OChie, Anjo at Makisig.. Pati na Dexter.. (wala pa sila name ng group) Dating member ng Magmavoiz...

Regular lang din naman.. Lunch kami kina Jhuniex.. nagsaing sia,, then patakpatak kami para sa ulam.. Ayoz na!.. Tapos tuloy ako sa Room habang ang montesorians pumasok na sa skul nila....

Sumunod naman sa Room 16 sina Oman, Junix at Rhonz (pero umuwi rin agad si Rhonx)

Mga 7pm kita kita kami sa Montesori.. Ahehehe.. Di na naman magkahiwalay.. Ayozzz talaga...

Tambay sa Dinalupihan Plaza.... Nakasama namin si Jerome... Naglaro sila RR, Bryan at Neil ng basketball.. Pandagdag pondo daw.. Kaso talo sila ng 100pesos.. (sayang naman!!!)

Then we proceeded sa hauz namin sa Saguing.. Kaso may untowrd incident dun kaya we decide to go to Oman's House instead..

Oman'z hauz.. Tulad ng dati,, muritan,, kulitan,, at walang katapusang pagbabalik tanaw sa masayang nakaraan.. (Ganun naman lagi weh)

Then Kumain kami ng Dinner.. Konting kuento na lang.. tulog na lahat .. Ahehehehe...

Pagkagising,, haiiizzzzz.. Kanya kanya na takbo pauwi.. Ahehehehe..

Pero masaya..

Dion & Jinky's Wedding

uhmmm... Ano ba nangyari nitong mga nakaraang araw..???

Dame... Ahehehehehe,.....

Ang isa sa di ko malilimutan ay yung kasal ni Dion.. Yap kinasal na sia kay Jinky.. nuong March 26, 2009.. Siempre punta kami.. (pero hindi lahat).. Di kaya ng budget,,.. (joke)..

Kasama ko nagpunta sina Tzay, LJ, Doze, Whar, Rome, Janice.. Yun! Dinatnan na namin si Joel dun.. kasama ang bagong kasal.. Maya-maya uwi na sila... AKo na lang naiwan at si Joel.. Then dumating si Neil at Bryan,,, Sunod naman sina Nelson at Oman.. Mga around 11pm sumunod naman sina Jhuniex, Twice at Utol nia... (nalimutan ko name eh.. )

Inom ng konti.. (kalahating emperador lang at isang case ng Colt 45) yun.. ayuzz na.. Ahehehehe.. Hanggang hating gabi.. Then we planned to go on a trippp.. Kaso di pede.. Kulang sa motor.. ahehehey..!@!!

Kaya nagkasya na lang sa kuentuhan hanggang magdamag.. then iniwan na namin si Dion para as alam nio na.. hmmmm.... Kami tumuloy kina Bryan.... Dun kami matutulog.. Whew! umuwi na sina Joel & Nelson sa kanilang respective houses...

Kami kina bryan.. Kain ulit nuod TV at muritan.. yun lang.. Hanggang sa matulog na ako.. tapos si Neil at silang lahat yata ay natulog na rin.. Awewewewe...

Gising sa umaga, pinakain kami ni Brytot ng Mami.. Masarap naman, kaya lang andami kaya di namin maubos.... HUHUHUHU... Tapos kanya kanya sibat na pauwiii..

Ano msasabi ko dito.. Uhmmm.. saya naman.. Basta magkakasama tropa auz... na.. Kaya lang may medyo nag-iba ( di ko masabi ehh) Pero ok lang yun kahit parang may isang nagbago na talaga.. (Ganun Talaga Eh)...

Basta kami nandirito pa rin.. Walang magbabago.. HEhehehe,., Nice...

Wednesday, March 25, 2009

Basketball sa Daang Bago

aheheheh.. Tulad ng dati.. our days is just an ordinary day but filled with happiness.. awoohoooo..

uhmm, ano nga bang extraordinary things that took palce today..??

Kinagat ako ni mam jha... sa Balikat.. sakitttttt...

Pinganguha kami ng mangga nina Anjo, Ochie at Rafii.. Dameeeeeee.... Kakalunod..

Ayozzzz na di ba..??

Then,,, the usual jamming continues.. except that now we have music.. Nga pala, ok na cguro yung kahpon yung kina Jerome issue.. Ajejejeje...

Around 5pm, we decided to go to Daang Bago Basketball Court to watch Jonel & Gerald beating together to win in a game.. Ahehehehe.. marami din kami dun...

Lakad kame.. Kasama sina.. Mam Ja, Jerome, Doze, Whar, Oman, RR, LJ, Tzay, Mitz, Gen, Sarah, Kate, Mary, Kaycee atbp.... (kung may nalimutan man ako sowwwiiieee)

E di nga lakad.. yung namang nagtitinda ng Alimango.. Suplado.. (wag kaung bibili dun) .. Tinatanong lang namin kung magkano yung Alimangong tinda nia.. Ang sagot ba naman sa amin ay.. " Bibili ba kau..???" Na badtrip tuloy ako...

Now dun na kami sa Court.. Awewewe.. Dame tao.. Pinabati pa naman ako sa ANchor.. Happy viewing daw ohh... Tsaka pakiramdam ko pinagtitinginan kami ng mga tao.. haizzzz hirap ng showbiz. (sikat daw oh!!)

About 6:30pm pauwi na kami.. Abangan.. Until we finally got into home.... Kanya kanya na to.. Pero remarkable yung paghihintay nina RR at Oman para maisakay muna kami lahat.. (kakabilib talaga sila) Samantalang sina Jerome at Warren.. Iniwan yung PG na sina Tzay at Mitz at ako na rin... Ewan ko nga ba ehh... Ganun talaga..

Geh po ingatz.. Take the Risk..!!!

Monday, March 23, 2009

MARCH 21,2009 JOYRIDING

I'm here alone at Dinalupihan Plaza... Ewan ko ba.. Nakakarami na rin ng Isoy.. Wooohooo.. Maya maya. NakaPm ko si Janica.. Then Naggawa ng chatrum si Doze.. with Janice & Mitz..

Eto si Mitz.. "Nagkalat mga Akuzino dito sa Plaza ng Hermosa" Huh..??? Nagtaka ako.. Ano gingawa nila jan..??? Stroll lang daw..." Sinabi ko naman kung nasaan ako nung time na yun..

Maya maya nag msg si Mitz.. " Sir wait nio daw sila jan papunta na sila".. Aheheheh Patay!!!!

After a few while... Anjan na.. CARBOYZ - Neil, RR, Junix & Oman, TPK - Rhonz.. with Janine & Nelson (classmates nila nung 4th year) galing kasi sila sa meeting sa Rum 16. They were trying to organize a class reunion of IV- Osmeña...

2 motors lang sila... Wave ni Junix at yung sa Ate ni RR (Ewan ko na ba ano tawag dun)... Lapitan isa- isa sa akin.. Wahehehehe.. "Uhmm.. mukhang mga ganado to huh... uhmmm" bulong ko sa sarili ko...

"San tayo..??" Tanong nila.. Uhm.... "Bahala na" sagot ko naman...

Eto naging trail.. Galing sila Orani.. to Dinalupihan (sila lang yun ahh) Now, kasama na ako.. Mula sa Dinalupihan Plaza to Kowbies (bandang Florida Blanca yun).. Then back to Dinalupihan, sa Metrobank (kailangan ng Bread) to Burger MAchine.. Tambay muna dito.. (sabay merienda).. Ayozzzzz... Then Punta sana kami kina Oman,, pero nagtuloy kina Janine (lauc pao, uuwi na raw kasi) Pero nagbago isip.. Tuloy daw guagua.. (Ahuhuhu, layo..)

Medyo nagkakontrahan,, ahehehe baka daw mahuli kami ng police.. (Yeah!!) Sabi ko.. liko tau gutad... Sige.... Sa sementeryo pa papunta Gutad my ginawang krimen sina Rona at Janine (Ano kaya yun?)... Then dumaan kami sa San PAblo II (Dami tao, may party pala)

Umabot kami sa labas ng Gutad,

Tumambay sa gilid ng Highway, nagkayayaan bumalik na lang!

Pagpasok ng Gutad pabalik.. Broooommmmm.. Patay!! Naubusan ng Gasolina yung motor ni RR (ahehehehe) hanap solusyon.... Ang ending pinagtalitaling panyo nila.. itinali sa hulihan ng motor ni Junix at kinabit sa Motor ni RR. Wise talaga...

Nakapagbiahe at umabot sa Petron ng Sta Cruz... Buti na lang bukas pa !!! Nagpakarga dun..

Diretso ulit kina Oman (totoo na to).. Pero idinaan muna namin si janine sa bahay nila sa Lauc Pao (Around 2am na un) Lagooooottttttt..!!!

Pagdating kina Oman.. 2 rounds ng kape, kuento,, kulitan, my lokohan,, takutan at binalikan ang walang katapusang NAKARAAN>>>>...

Pero ang sentro ng usapan ay.. ung pambihirang relo nina Oman.. Tanong nio sia kung bakit...

Mga 4:30am sa terrace nina Oman.. nagkayayaang matulog muna sa kuarto ni Oman...

Zzzzzzzzz.....

5:30am... Ginising ko na sila lahat.. (kailangan kasi umalis na kami.. may lakad si Junix papunta Baguio ng 7am... ) Sana may pasalubong...

Pack up.. na/.. paaalam sa nanay ni Oman.. at zhiiiiiiiiiiiiiiiii....... gogogo...

Nga pala... Si Mitz ay kasalukuyang naglalakad papunta sa Orani at pabalik kasama nung mga pinsan nung gabing yun.. (Ewn ako kung bakit..???) aning aning yata!! Joke...

Si Bryan naman ay kasalukuyang tumotoma nung gabing yun (Inggit kame konti)

Ahehehe.. Sina Janice at Doze na ka chat ko.. wala na ko balita nung nyt na un.. (Baka nakatulog na rin)

At ang pinakamahalaga.. Si Junix pala ay Apo ni Obama (whahahahahahahaha) biro lang!

Saya naman..!! Ubos Gasolina,, pati na pera.. pero ang mahalaga.. Kami ay magkakasama..

Kakaadik ang Barkada!!!!!!!!!

Picnic at the farm, MARCH 15, 2009

We arrived at Sumascan Corner at 8: 45 am.. A lot of them were already waiting.. We started walking and we were so happy going to Warren's farm in Prado Saba, Lubao, Pampanga.

Present in that event were Carboyz- Neil, Jhunix, Oman, TPK-Rhonz, Guwapitooz- Doze, Tune, Rome, Cant, Post, Patch & War, PeriodGurlz- Tzay, Zhe & Grace, RRJ Broz- Iking & Jowen, High5- Otep & Gerald, BB- Bryan, Nitrogemz - Gen, Sarah, Arvily, Kate, Tine, Daisy, Maine ... and of course our new addition to the group.. Paulding (Oteph's couz), LJ (Tzay's BF & Mam Sacdalan's Son) and Janice (my student teacher)

Whew! hirap mag-english ehehehe.. tagalugin ko na lang... E di nandun na nga.. Kuentuhan.. asaran.. pakilala dito pakilala duon.. Ahehehe.. Kulitang walang katapusan.... Sabay pa ng pagtugtog ng gitara na dala ni Doze, Biritam to the max... San Man Patungo, Kaleidoscope (kahit pilit) hehehe... Anopa..?? Your call, With A Smile, Toyang, Iris (Favorite ko).. etc..

Lunch time.. Nagprepare sina Janice ng fud with the help of otherz,,, inihaw na tilapia.. Tinolang Manok (courtesy of junix & rhonz) Tuna & Ewan ko kung ano un (Dala ng RRJ).. plus the chichiria na V cut at piatos... at Bagoong na lasang tinapa na dala ni Jowen.. Ahehehe

May nagdala din ng indian mango (ewan ko kung sino) nalimutan ko na ehehehe.. Tapos my mga bayabas din dun.. Ahehehe...

Nga pala, nalibang ang iba sa laro ng gagamba.. Aba! pinagdiskitahan nila un.. Habang mag eksena ng pagkadulas si sherylyn.. weheheheh ( ipopost ko pic nia).. Dumating din Bryan with Mister Donut & Tempura (yareee)..

Sa hapon mga 3 pm.. dun sa bayabasan.. Nag-ipon ipon there.. with something na pampasaya at pampasigla (uhmm.. ano kaya yun?) nung matapos na ang lahat.. Buhay na buhay ang lahat.. enjoy... Siempre mawawala ba jan ang halakak ni tzay,,, Iyak ni Rhonz, Eksena namen nina Zhe, Doze & rhonz.. Mga tingin nina warren, jerome at Cant (kahit pasimple lang) ehehehehe.. Lambingan ng mga iba jan.. ahehehehe... Tsaka ewan pa.. ahehehe.. At ang walang kamatayang message ko sa lahat.. so called.. sermon.. so called palaalala.. so called etcetera..

haizzzz.. Patapos na ang picnic.. Pauwi na ang lahat,, Paalaman na.. Thank you thank you sa may-ari... Lakad sa tuwid at mahabang daan papunta sa Highway.. Naputikan pa si Doze at Cant.. (Bakit kaya?) hmm.... Si Gerald.. hehehehe nahiga sa bukid.. (Bakit din kaya?)..

Kaso the day is not yet over para sa iba sa amin (Junix,Neil, Oman, Rhonz, Oteph, Paul, Bryan, Jerome, Janica, Doze, Gerald at Ako).. Habang ang iba ay tinahak ang landas pauwi... Pumunta kami sa San ISidro (Kina Oman)..

Kaso DISGRASYA!!!..

Tuloy kami kina JOEL.. Jackpot nandun sia.. HEhehehe... Upo saglit.. nagbago ang isip...

Napadpad kami sa Prado Siongco (kina Bryan).. Lakad ulit.. hehehehe.. Sinundo ni Joel si Dion (na malapit ng ikasal) Tapos kumain kami ng 2 buong litsong manok... Sarap!!!!!

Meya meya.. sinundo si Jha.. heheheh Yare..!!!

Kame naman, pasibat na rin kaso.. Di pa pala tapos ang gabi.. aheheheh..

Tuloy kame sa San Jose (Dinalupihan na) lalaban ng Battle of the bands sina Oteph at Kenneth...
Nuod kame... Siempre support... Ang ending panalo, wagi, success.. Ayozzzz!!!! Tinugtog nga pala nila ay Tsinelas by Kamikazee at Ordertaker by PNE... (Ewan ko ba't nanalo).. Joke!!! Magaling naman talaga ang DISCRIMINATIONA BAND (Banda nila)..

Haizzz.. kakapagod.. Pero Sulit!!! Ang mahalaga kasama ang katropa.. na nagiging inspirasyon sa bawat hamon na aming tatahakin... Ahuhuhuhu.. Uwi na ako.. kakapagod talaga....

Today I Started It

Today i realized na mas okay kung panay ko na lang gagawin to.. Well, sa samahan naman wala nangyari untoward.. Panay kasiyahan pa rin.. Ang sya nga ehh. Nag meryenda ng 2 RC 1.5 at 2 RC litro.. Nagkamali ako nasabi ko pa nga bili ka nga ng isang litrong 1.5... Ahehehehe Sarap ng meryenda today.. Mga 5:30 na kami umuwi.. Ahh.. Nga pala.. Naulit yung dati kami na nagsara ng gate ng Balsik Saya nun.. Ahehehe..

Tsaka nakausap ko mga ilang members ng NSD (Never Say Die).. My negotiation na nagaganap kung sasanib nga ba sila sa Pwersa namen.. Ewan ko lang.. Abangan n lang naten sa mga susunod na araw..