Pero di iyon ang nais kong ikwento...
Ano na nga bang nangyari sa mga AkuzinianZZZ.. ?
Tingin ko, uhmm okay naman sila. Sina RR, Tsay, Gagay at Dion.. may mga anak na... Sina Oman, Gerald, Mikel, Emil at yung iba pa.. malapit na yatang magtapos sa pag-aaral.. Kasama ng mga ibang guwapitooz, period gurlz na nag-aaral pa rin sa college hanggang ngaun... SA iba, wala na akong balita talaga, tulad nina porang, joie at tirso....
Si Warren na nga pala ang bagong SK Chairman sa tropa... ^^... May computer shop na rin sila... At ako naman siempre.. may computer shop pa rin.. dito sa Luakan na..
Nga pala.. may mga bago na rin sa tropa, nanjan ang b-boiz at RDC... at patuloy pa ring dumarami..,
Haizzz.. iba talaga ang akuzino.. MALUPET!
Sa totoo lang, iba talaga ang nais kong ikwento,, This is about someone that I knew just recently. This person had so much impact in my life.. He changed some of my views.. Actually, he made me a better person.... Itong batang to,, na nakilala ko.. Kakaiba ang ginagisnang buhay,, grabe.. pero nung nakasama ko sya dito sa bahay.. Napansin ko na maluwag nyang tinanggap ang kanilang kalagayan sa buhay dahil nakitaan ko siya ng kabutihan.. Napakasipag, hindi mareklamo at napaka-mapagbigay...
Hindi sya maramot kahit sya rin naman ay wala... Hindi namimili ng kaibigan. Matapat at hindi mang-aabuso sa mga pagkakataong pwede naman nyang gawin.. Hayyy... Sa lahat ng nakilala ko, isa sya sa mga pinakamabait na tao... Nakakamangha ang kabutihang loob na ipinapakita nya at dahil sa kanya mas narealized ko na dapat tayong maging bahagi ng buhay ng ibang tao... That our blessing should be shared. Wala na sya ngaun sa bahay, pero naalala ko pa rin ang mga mabubuting bagay na nakikita ko sa kanya noon...
Ewan ko ba kung bakit nasasabi ko ito.. Basta ang pangarap ko na lang sa kanya ay yung balang araw, magtagumpay sya sa kanyang buhay.. Maaring hindi na kami magkita pang muli.. Pero sana maging maayos ang kanyang kinabukasan kasama ng kanyang buong pamilya..
Hindi man sya biniyayaan ng materyal na kayamanan, ng pagmamahal mula sa iba.. Pero pinuno naman sya ng Diyos ng mabuting kalooban.. Isang kayamanang hindi mapapantayan ng kahit ano pa... Sana pagpalain sya ng Diyos at patuloy na gabayan.. sana rin manatili ang kanyang kabaitan at huwag syang magbago....
Yan ang aral na napulot ko nitong mga huling araw na nais kong ibahagi sa iba...
Maiba tayo, sa Dec 28, 2010.. Fourth anniversary na ng Akuzino.. sana makadalo ang lahat.. Gaganapin sa beach resort sa Subic,,, Magkikita sa Skul ng Balsik 2 pm, tapos aalis na. Ang bayad ay 200 (na maari namang p[ag-usapan) Overnight swimming yun... Kung may tanong magtext lang o tumawag sa akin o kay Jhoi.. Yun lang at sana makasama ang lahat... Mahal ko kayo... God bless you all...