About Me

My photo
Well, it's not only me.. it's us.. We are a Clan.. formed under the roof of room 16.. With about 30 members.. We came from all walks of life.. Some are well to do,, some are less fortunate.. Some are pretty, others are prettier... Some are cute.. some are even more cute.. Some are young,,others are younger...Some are smart others are clever.... Some are fat and stout, others are thin.. sexy and Some are glamoruos,,, and others are hunks.. But despite these difference that we have,,, If we can say that these are difference.... We are bonded as one.. by a great promise that we will be together until the end of time until the sky turns into gray... longer than all the stripes of a rainbow,,, higher than all the heights of the buildings... deeper than all the depths of the oceans.. until our hair becomes red... until the sun and tye moon kisses each other.. until hell freezes....

Tuesday, April 21, 2009

Hanggang Kailan???

Saya naman natin anoh.. Marami n atyong pinagsamahan... Ilang picnic na rin ang pinuntahn, ilang fiestahan, birthdeyan na rin ang dinaluhan, maraming lamesa na rin ang kinainan... Ang saya talaga..

Ilang bundok na ang inakyat, ilang kama at banig na ang tinulugan, maraming bote na rin ang ininuman, haiizzz kakamiss talaga magbilang.....

Maraming jokes na rin ang tinawanan, pambabara na madalas pagkaasaran, ilang luha na rin ang pumatak, pero libolibong ngiti naman ang sumilay... Nakakaiyak talaga ang kasiyahang dulot ng Akuzino Clan.

Ngunit sa paglipas ng panahon, nasaan na nga ba tayo.. Marami na rin tayo, nasa 70 o higit pa.. Nagsimula sa simpleng paglalaro ng chess board sa Room15, tapos nauwi sa pagtambay sa memorial, pinainit ang samahan ng pag-akyat sa Malasimbu. Nagtuloy tuloy sa maraming picnic swimming at minsa'y camping. Patuloy na umusbong hanggang sa ngayon....

Sa kasalukuyan, okay naman ang ating katayuan, matibay, matatag, umuusbong patuloy at lalong dumarami... Pero ang mas mahalagang tanong...

Saan nga ba tayo patungo.? Hanggang kailana tayo ganito..?

Kapag narinig mo ang tanong na ito, ano ang mararamdaman mo? Para sa atin, iba-iba ang aing damdamin, pero karamihan ay kakabahan at matatanto ang katotohanang hindi talaga natin alam ang ating tunay na patutunguhan...

Maiisip nating ang isang pangamba, na baka hindi natin abutin ang walang hanggan, isang kagulumihanan na baka isang araw magising tayong wala na ang lahat.

Subalit wag tayong magpatalo sa mga agam-agam na yan. OO nga't hindi natin hawak ang bukas, hawak naman natin ang ating mga damdamin. Maaring tayo'y tatanda, mag-iiba iba ng estado sa buhay at kinaroroonan. Hindi natin alam. Pero sana patuloy nating taglayin ang isang pangako.

Pangako ng habang buhay na wagas na pagkakaibigan. Isang samahang hindi nasasakop ng oras at panahon. Isang turingang hindi kayang bakuran. Taglayin nawa natin sa ating mga sarili ang mga ala-ala ng masayang lumipas. Na kahit nasaan man tayo at ano mang panahon, hindi natin kayang burahin sa ating damdamin ang katotohanang minsan isang Akuzino Clan ang nagdala sa atin ng walang tigib na ligaya...

Haiizzz.. Hanggang dito muna, hindi ito drama, ito'y pag-papaalala sa inyo ng isang katotohanang kailangan nating maging maingat. Dahil hindi natin alam na kung hanggan saan. Kaya dapat tayong magbantay at mag-ingat sa ating mga sarili.... Nawa'y manatili sa ating mga puso ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan, ng tunay na ibig sabihin ng wagas na pagmamahal, kung paano nga ba maging isang tunay na Kapamilya!...

No comments: